Digital banks will let your money grow kahit wala kang ginagawa.
They are offering you high interest, cash back, reward points, and discounts.
What is a good happening while we are holding our money now?
The answer is… ✅ Lalo itong kumikita ngayon.
At iyan ang magandang pag-usapan natin ngayon.
Ito ang magandang nangyari sa panahon natin ngayon.
Dahil umusbong ang tinatawag nating digital banks sa Pilipinas.
Kaya't pag-usapan natin, and I will share with you. How does it work?
And how you can earn more from it. Dahil hindi ka lang basta
nagse-save. Kundi para kumita at palaguin ang pera mo. ✅💖
So, let's begin!👌💖
What are digital banks?
✅ Ang digital bank ay gumagana online gamit ang ating mga mobile app.
Ibig sabihin..Wala itong mga physical branch.
So, dalawa ang ating banking system.
1. Bank With Physical Branch -
Ito yung mga establishments na nakikita natin o nadadaanan natin sa ating
mga kakal-sadahan. 'Di ba nakikita natin 'yan?
Halimbawa..Yung BDO, BPI, Metrobank, at marami pang iba.
2. Digital Bank -
Ito naman ang banking system na ang mga transaksyon ay gumagana online.
Ida-download mo lang ang kanilang app sa iyong mobile phone at boom!
Maaari mo nang ma-secure ang pera mo. At makapag cash-in at cash-out din.
Pero, may "Good News! I love it!" 💖💖💖
Alam mo ba na ang mga digital banks na ito ay nagbibigay ng
mas mataas na interest! Hindi lang iyon. Nag-o-offer din sila ng
mga cash-back, discounts at rewards points.
So, grow talaga ang pera mo. Kaysa nakaimbak lang iyan sa
aparador mo, pitaka o sa ilalim ng lupa mo man iyan tinatago.
Hehehe..
Ngayon, maaari mong itanong.
Bakit nga ba sila nakapagbibigay ng mas mataas na interest?
Baka SCAM iyan!
Hindi, ikaw naman.
Kaya sila nakapagbibigay ng mas mataas na interest ay dahil
sa nakatitipid sila sa mga gastusin.
Walang kailangang establishment na dapat ipatayo. Walang teller, security
Guards o mga empleyado na dapat nilang swelduhan.
Iyon lamang ang dahilan noon.
Kaya na-se-share nila sa atin ang kinikita ng ating mga pera.
Dahil inilalagay nila iyon sa investments.
Giving is LOVING!
Hehehe.
So, malinaw ba ito sa iyo?
Salamat!
Ano-ano nga ba ang mga digital bank na ito?
Maaaring nakikita mo na sila sa pag-o-online mo. Nandyan ang |CIMB, MAYA,
GOTYME, MARIBANK (formerly SEABANK), UNOBANK, at marami pang
iba..
Pati na rin ang ating mga bangko na may physical bank ay may digital bank din.
Na halos lahat sila. Halimbawa, ang BDO, BPI, UNIONBANK.
So, ikaw na lang ang bahalang mamili. Dahil medyo nagkakaiba sila ng
I-offer na interest at opportunities para kumita ang pera mo.
Bakit ba sila popular today?
Of course, dahil...
✅ High ang Interest nila.
✅ Easy to create an account.
✅ Most of them require no maintaining balance.
( Kahit magkano ang laman ng wallet mo)
✅ Easy to Cash-In at Cash-Out
✅ Karamihan no transfer fees.
Ang tanong:
How do we earn from digital banks?
Hindi lang kasi sila para mag-save ng pera.
Puwede mo silang gawing Income Tool.
Bukod sa high interest mayron din silang other promos.
COMPARE:
👉 Physical Bank (traditional banks)- up to 0.10% annual.
👉Digital bank - 3% - 6% annual.
(Yung iba mas mataas pa tulad sa Maya)
Depende kung sino sa kanila ang pipiliin mo.
What I mean is....
"Di natutulog ang pera mo."
Pwedeng..
"Pera Mo Ang Magtrabaho Para Sa Iyo"
Passive Income - Why?
Imagine:
Kung may 10,000 ang account mo.
Sa traditional bank ay halos wala kang makikitang interest.
Pero sa digital bank ay may makikita kang monthly interest.
Ang kagandahan pa ay daily na itong pumapasok sa account mo.
Heto Pa:
Sila ay regulated ng "Bangko Sentral Ng Pilipinas"
Kaya secure ang pera mo up to 1,000,000 pesos.
0 Comments